BAHÁ'Í WORLD CENTER — Mga Sulyap sa Isang Daang Taon ng Pagpupunyagi, isang pelikulang kinomisyon ng Universal House of Justice, ay ipinalabas ngayong araw sa Bahai.org.
Ang pelikula ay nagbibigay ng pananaw sa isang daang taon ng pagsisikap at pag-aaral mula nang pumanaw si 'Abdu'l-Bahá noong 1921, na isinagawa ng isang umuusbong na komunidad ng Bahá'í, at binabalangkas ang paglalakbay na humantong sa kasalukuyang pagsisikap ng komunidad na mag-ambag sa ang paglitaw ng isang daigdig na inayos ayon sa prinsipyo ng pagkakaisa ng sangkatauhan.
Available ang 66-minutong pelikula sa Arabic, English, French, Persian, Russian, Spanish, at Swahili. Mapapanood din ang pelikula sa YouTube.